Bagyong Neneng napanatili ang lakas

Napanatili ng bagyong Neneng ang lakas ng hangin nitong taglay habang nagpapatuloy sa pagtahak ng direksyong timogkanluran.

Sa 11PM weather advisory ng PAGASA, nakasaad na huling namataan ang bagyo sa layong 150km kanluran hilagangkanluran ng Basco, Batanes.

May bilis itong 15km bawat oras.

Taglay ng bagyong Neneng ang lakas ng hanging aabot sa 55km bawat oras malapit sa gitna, at pagbugson aabot naman sa 65km kada oras.

Dahil sa bagyo ay makararanas ng pag-uulan sa Batanes, kung saan kasalukuyang nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1.

Magdadala rin ng katamtaman hanggang sa paminsan ay malakas na pag-uulan ang bagyong Neneng sa Babuyan Group of Islands.

Samantala, makararanas naman ng pag-uulan at thunderstorm sa mga lalawigan ng Ilocos at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Neneng bukas, araw ng Huwebes, September 11.

Read more...