Ayon kay Trade and Industry Sec Ramon Lopez, siya ang kakatawan kay Pangulong Duterte sa naturang event sa Hanoi sa September 11 hanggang 13.
Noong August 8, sinabi ng WEF na isa si Duterte sa walong lider mula Southeast Asia na dadalo.
Kabilang dito sina Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.
Dumalo si Duterte sa nakaraang WEF sa Cambodia kung saan isinulong nito ang potensyal ng mga kabataan sa rehiyon at kung paano sila nabibiktima ng iligal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES