P1.7B-standby fund, inilaan ng DSWD sa papasok na Typhoon Mangkhut

By Len Montaño September 10, 2018 - 09:40 PM

Inquirer file photo

Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1.7 bilyong halaga ng standby fund, pondo sa pagkain at non-food items bago ang pagpasok ng Typhoon Mangkhut o Bagyong Ompong sa Miyerkules.

Kasabay nito ay nagtaas ang National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng alert status blue matapos pumasok ang Bagyong Neneng at walang 48 oras bago ang pagpasok ng Bagyong Ompong.

Nag-convene naman ang Emergency Telecommunications Cluster para talakayin at tiyakin na mananatiling operational ang mga linya ng komunikasyon pag tumama na ang Bagyong Ompong sa bansa.

Samantala, ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ay naka-standby sa posibleng deployment ng kanilang mga tauhan kung kailangan.

TAGS: Bagyong Ompong, dswd, Typhoon Mangkhut, Bagyong Ompong, dswd, Typhoon Mangkhut

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.