Mosyon sa arrest warrant at HDO vs Trillanes, ipinababasura sa Makati RTC

By Len Montaño September 10, 2018 - 09:16 PM SHARE(S):

Ipinababasura ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ang mosyon para sa kanyang arrest warrant at hold departure order (HDO) dahil wala umano itong basehan.

Sa kanyang 15-pahinang komento, sinabi ni Trillanes, sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Reynaldo Robles, nasa batas na ang tumanggap ng amenstiya ay inosente.

Iginiit ng Senador na hindi pwedeng ipawalang-bisa ang amnesty dahil interes ng publiko na ang taong binigyan nito ay inosente dahil lumalabas na wala itong nagawang anuman na kailangan ng parusa.

Dagdag ni Trillanes, ang kaso niya na ibinasura 7 taon na ang nakalipas ay final and executory na.

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Makati RTC Branch 148 na maglabas ng arrest warrant at HDO laban kay Trillanes kasunod ng pagpapawalang bisa sa amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

TAGS: Arrest Warrant, hold departure order, Makati City Regional Trial Court, sen antonio trillanes iv, Arrest Warrant, hold departure order, Makati City Regional Trial Court, sen antonio trillanes iv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.