Magnitude 5 na lindol, tumama sa Surigao Del Norte

By Angellic Jordan September 10, 2018 - 08:31 PM SHARE(S):
Credit: Phivolcs

(Updated) Tumama ang magnitude 5 na lindol sa Surigao Del Norte, Lunes ng gabi.

Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 86 kilometers North ng lalawigan ng Burgos.

Niyanig ang lalawigan dakong 7:57 ng gabi.

May lalim itong 1 kilometer at tectonic ang pinagmulan.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity IV sa nalalabing parte ng naturang lalawigan, Intensity III sa Santa Monica at Intensity II sa Surigao City.

Intensity 1 naman ang naramdaman sa Palo, Leyte.

Gayunman, walang napaulat sa nasirang ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: lindol, phivolcs, surigao del norte, lindol, phivolcs, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.