Train 2 aprubado na sa Kamara

By Erwin Aguilon September 10, 2018 - 07:30 PM

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Comprehensive Tax Reform Package 2 o Train 2 na tinawag ngayong Trabaho Bill.

Sa botong 187 na Yes, 14 na No at 3 na Abstain lumusot ang Train 2 sa Kamara.

Mula sa kasalukyang 30 percent Corporate Income Tax (CIT) nais ng Train 2 na maging 25 percent na lamang ito.

Sa ilalim nito ang CIT ay magiging twenty eight percent (28%) simula January 1, 2021; twenty six percent (26%) simula January 1, 2023; twenty four percent (24%) simula January 1, 2025; twenty two percent (22%) simula January 1, 2027; at twenty percent (20%) simula January 1, 2029.

Gayundin ang rationalization sa fiscal incentives sa mga kumpanya na performance-based.

Idadaan sa rationalization ang mga insentibo na ibinibigay sa mga negosyo para karapat-dapat na kumpanya ang mabigyan nito, maging time-bound at transparent.

Kasama sa ira-rationalize ang mga insentibo na iginawad sa ilalim ng isang daan at dalawamput tatlong special laws.

TAGS: 3rd reading, Arroyo, TRAIN 2, 3rd reading, Arroyo, TRAIN 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.