Poe: Problema sa paliparan nalantad sa pagsadsad ng Xiamen Air
Kung may positibo man na naidulot ang pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Air sa Ninoy Aquino International Airport ito ay ang pagsasapubliko ng mga balakin para magkaroon ng moderno at karagdagang airport sa bansa.
Sa pagdinig ukol sa aksidente ng Committee on Public Affairs na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe ay lumutang ang lahat ng mga panukala para mapaluwag at mapagbuti ang serbisyo sa naia terminals.
Dagdag pa ni Poe na kapag naipatayo ang mga bagong airport at naisaayos ang mga kasalukuyang paliparan ay magiging maganda na ang pagbiyahe papasok at palabas ng bansa.
Kaugnay naman sa aksidente, tinapos na ni Poe ang pagdinig ngunit magsasagawa sila ng executive meeting kaugnay sa isinasagawa pang imbestigasyon ukol sa aksidente.
Samantala, sinabi ni Poe na malinaw na maraming lapses sa panig ng mga airport officials kaya marami ang naperwisyo sa nasabing pangyayari.
Mabuti na lang ayon sa mambabatas at umamin ang mga opisyal ng NAIA sa kanilang pagkukulang sa pangunguna ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.