Trillanes itinanggi na bahagi sya ng destab laban sa pamahalaan
Mariing pinabulaanan ni Senator Antonio Trillanes IV ang alegasyon ng kampo ng administrasyon na may pagkilos para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Banggit pa ni Trillanes, hindi siya kumililos para mangalap ng suporta sa pagsipa kay Pangulong Duterte lalo na sa kanyang mga kapwa graduate sa Philippine Military Academy (PMA).
Dagdag pa nito, mali din na isumbat sa mga sundalo ang mga nagagawa sa kanilang tulong ng pamahalaan.
Samantala, sa labas ng senado, pinunit ng mga taga-suporta ni Trillanes ang mga papel na may markang Proclamation No. 572 na nagpawalang bisa sa amnestiya ni Trillanes.
Nauna dito ay sinabi ng pangulo na mayroon umanong pakikipagsabwatan si Trillanes sa Liberal Party at New People’s Army para pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.