Go excited na makaharap si Trillanes sa senate investigation

By Chona Yu September 10, 2018 - 04:22 PM

Malacañang photo

Pinabibilisan na ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go kay Senador Antonio Trillanes IV ang ikinakasang imbestigasyon kaugnay sa multi-bilyong pisong infrastructure project sa Davao City na nakuha ng kanyang ama at half-brother.

Ayon kay Go na nakahanda siyang sumalang kahit na bukas na umpisahan ni Trillanes ang imbestigasyon.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Go na mabibisita na rin niya si Trillanes na ilang araw nang nagtatago sa Senado matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang amnestiya.

Sinabi pa ni Go na masaya siyang haharapin ang imbestigasyon ng Senado para patunayan na wala siyang kinalaman sa mga nakuhang proyekto ng kanyang pamilya.

Giit ni go, nakahanda siyang magbitiw sa pwesto kapag napatunayan ni Trillanes na nakialam siya sa mga proyekto.

Pero ayon kay Go, kapag peke at paninira lamang ang ginagawa ni Trillanes ay dapat nang magbitiw sa puwesto ang senador.

Una rito, sinabi ni Trillanes na maghahain siya ng resolusyon ngayong araw para hilingin sa Senado na imbestigahan ang mga nakuhang proyekto ng pamilya ni Go sa Davao City.

Ayon pa kay Go, “Kahit bukas agad pwede akong sumalang sa senado, para naman mabisita ko sya kung saan sya nagtatago. I will be more than happy to face the inquiry as this will give me another chance to prove my non-involvement and another Senate appearance will also give me free media mileage”.

TAGS: bong go, Davao City, duetrte, projects, trinnales, bong go, Davao City, duetrte, projects, trinnales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.