Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, kaya nagkagulo ang ekonomiya sa bansa dahil nagkaroon ng trade war ang Amerika at China.
Hindi maikakaila ayon kay Roque na kapag nag-away ang dalawang malalaking bansa tiyak na apektado ang ekonomiya ng maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.
“Alam niyo naman kasi, ang sabi nila, kapag naglaban ang mga higante, siyempre apektado iyong mga maliliit na bansa kagaya ng Pilipinas at iyan po ang ibig sabihin ng ating Presidente.” – ayon kay Sec. Roque
Sinabi pa ni Roque na bago pa man nagkaroon ng hidwaan ang Amerika at China, maayos naman ang ekonomiya ng bansa subalit nadiskaril lamang nang magkaroon ng trade war.