Inflation sa Pilipinas, isinisi sa trade war ng Amerika at China

By Chona Yu September 10, 2018 - 01:56 PM

Pinanindigan ng Palasyo ng Malakanyang ang paninisi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump sa mataas na antas ng inflation o pagsipa ng husto ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, kaya nagkagulo ang ekonomiya sa bansa dahil nagkaroon ng trade war ang Amerika at China.

Hindi maikakaila ayon kay Roque na kapag nag-away ang dalawang malalaking bansa tiyak na apektado ang ekonomiya ng maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

“Alam niyo naman kasi, ang sabi nila, kapag naglaban ang mga higante, siyempre apektado iyong mga maliliit na bansa kagaya ng Pilipinas at iyan po ang ibig sabihin ng ating Presidente.” – ayon kay Sec. Roque

Sinabi pa ni Roque na bago pa man nagkaroon ng hidwaan ang Amerika at China, maayos naman ang ekonomiya ng bansa subalit nadiskaril lamang nang magkaroon ng trade war.

TAGS: Amerika at China, Inflation sa Pilipinas, isinisi sa trade war, Amerika at China, Inflation sa Pilipinas, isinisi sa trade war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.