DOF tiniyak na hindi binabalewala ng pamahalaan ang inflation
Tiniyak ng Department of Finance na hindi binabalewala ng administrasyong Duterte ang isyu ng mataas na inflation rate sa bansa.
Gayunman, sa Presser show na inisyatiba ng PresidentialCommunications Operations Office, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na nakadepende sa report ng Philippine Statistics Authority ang pagtugon nila sa problema at hindi sa mga haka-haka lang ng ilang grupo.
Binigyang diin ni Lambino na gustong masiguro ng pamahalaan na tamang solusyon ang gagamitin sa mga tunay na
problema ng bansa at hindi nakadepende sa mga haka-haka na pinapalutang ng iilan.
Sa naturang show ay inilatag ng DOF ang iba’t ibang isyu na may kaugnayan sa inflation rate at ang mga posibleng
solusyon.
Pinasalamatan din ni Lambino si PCOO Secretary Martin Andanar dahil sa inisyatiba ng ahensiya nito para maipaliwanag sa taumbayan ang mga tunay na isyu ng bansa na nararapat paglaanan ng panahon.
Nakatakda din ang Economic cluster meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang economic managers ngayong
araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.