Laman ng flight data recorder ng sumadsad na Xiamen aircraft hawak na ng CAAP

By Jan Escosio September 10, 2018 - 01:20 PM
Nasuri na ang flight data recorder ng boeing 737 ng xiamen air na sumadsad at bumara sa main runway ng NAIA noong nakaraang buwan. Sa pag-uusisa ni Senator Grace Poe, Chairperson ng Committee on Public Services, sinabi ni CAAP Director General Jim Sydiongco na ilang linggo nang naibalik sa kanila ang FDR at hawak na rin nila ang interpretasyon sa laman nito. Ngunit tumanggi si Sydiongco na isapubliko ang hawak nilang interpretasyon sa katuwiran na kailangan pa nilang isangguni ito sa kanilang foreign counterparts. Ayaw din magbigay ng kanyang opinyon ang opisyal sa kadahilanan na labag ito sa international protocol sa usapin ng air crash investigation. Sandaling inusisa ni Poe si Sydiongco kung sa transcript ba ng FDR ay malalaman na ang insidente ay sanhi ng human error. Nagpapatuloy ang isinasagawang pagdinig ng komite ni Poe sa insidente na nagresulta sa perwisyo sa daan-daan libong pasahero ng mga naapektuhang halos 170 flights sa NAIA.

TAGS: boeing 737 ng xiamen air, CAAP, CAAP Director General Jim Sydiongco, Chairperson ng Committee on Public Services, Flight data recorder, NAIA, Senator Grace Poe, boeing 737 ng xiamen air, CAAP, CAAP Director General Jim Sydiongco, Chairperson ng Committee on Public Services, Flight data recorder, NAIA, Senator Grace Poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.