Senator Trillanes nasa “dark side” – Sec. Roque

By Chona Yu September 10, 2018 - 01:15 PM SHARE(S):

Binuweltahan ni Presidential Spokesman Harry Roque si Senator Antonio Trillanes IV matapos sabihin nito na tapos na
ang kanilang pagkakaibigan at isang ordinaryong kakilala na lamang para sa kanya ang tagapagsalita ni Pangulong
Rodrigo Duterte.

Una rito, sinabi ni Trillanes na nang sumama si Roque sa dark side at pumanig kay Pangulong Rodrigo Duterte ay nagkasaulian na sila ng kandila ng senador.

Ayon kay Roque, iisa lang ang kanyang kakilala na nasa dark side at ito si Trillanes.

“Well, iisa lang po ang aking kakilala na taga-dark side at iyan po ay si Senator Trillanes” – ayon kay Sec. Roque

Matatandaang bago umanib sa administrasyong Duterte, hinangaan ni Roque si Trillanes dahil sa paglulunsad ng
dalawang bigong kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

TAGS: dark side, Pangulong Duterte, Sec. Roque, Sen. Trillanes, dark side, Pangulong Duterte, Sec. Roque, Sen. Trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.