Hindi isinasantabi ng Palasyo ng Malakanyang na maari ring makulong si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Ito ay dahil sa pagbibigay ng amnestiya kay Senator Antonio Trillanes IV matapos ang dalawang bigong kudeta noong 2003 at 2007.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, usurpation of authority ang ginawa ni Gazmin.
Paliwanag ni Roque, inaprubahan ni Gazmin ang amnestiya ni Trillanes nang walang sapat na awtorsasyon mula sa pangulo ng bansa.
Sa ilalim ng saligang batas, tanging ang presidente lamang ng Pilipinas ang may kapangyarihan na maggawad ng amnestiya sa isang indibidwal.
MOST READ
LATEST STORIES