Trillanes’ supporters nanawagan kay Pangulong Duterte at mga DDS

By Jan Escosio September 10, 2018 - 01:05 PM SHARE(S):
Kuha ni Jong Manlapaz

Pinunit ng mga taga-suporta ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga papel na may markang Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpawalang-bisa sa amnestiya ng senador na ipinagkaloob ng noo’y pangulong Noynoy Aquino.

Ang mga taga-suporta ng senador na nakasuot ng headband na may may markang “Magdalo” ay ilang araw na rin may vigil sa labas ng main gate ng senado.

Umapela din sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na igalang ang kanilang ginagawa.

May hiwalay din silang pakiusap sa mga Duterte Diehard Supporters o DDS na huwag naman silang bastusin o murahin sa social media.

Anila, kanya-kanya naman paniniwala at paninindigan ang kanilang ginagawa kaya’t dapat ay magrespetuhan na lang.

TAGS: nanawagan, Pangulong Duterte at mga DDS, Proclamation 572, Senado, Trillanes' supporters, nanawagan, Pangulong Duterte at mga DDS, Proclamation 572, Senado, Trillanes' supporters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.