19 patay sa pagbagsak ng eroplano sa South Sudan

By Ricky Brozas September 10, 2018 - 11:29 AM

Courtesy: Radio Miraya Twitter

Patay ang 19 katao nang bumagsak ang isang pampasaherong eroplano sa lawa sa sentro ng South Sudan. Apat naman sa mga sakay nito ang nakaligtas.

Ayon sa Regional information minister ng Eastern Lakes state na si Taban Abel Aguek, sakay ng maliit na eroplano ang 23 pasahero nang mag-crashed ito sa central town ng Yirol.

Sinabi ni Abel na kabilang sa mga nakalitas ay isang Italian citizen. Kinumpirma rin nito na isa sa mga nasawi ay ang Anglican Bishop ng Yirol, na si Simon Adut.

Kumpirmdong nasawi rin sa nasabing aksidente ang Piloto at co-pilot ng eroplano, staff member ng International Committee of the Red Cross, ang isang Ugandan na nagpapatakbo ng private clinic sa Yirol, isang government official at dalawang army officers.

Nabatid na maulap umano sa lugar nang papalapag na ang eroplano Sudan nang mangyari ang aksidente.

Ibinahagi naman ng UN broadcaster na Radio Miraya ang litrato ng nagkalasug-lasog na bahagi ng eroplano habang nakalubog sa lawa sa bayan ng Yori.

TAGS: 19 patay, pagbagsak ng eroplano, Regional information minister ng Eastern Lakes state, South Sudan, Taban Abel Aguek, 19 patay, pagbagsak ng eroplano, Regional information minister ng Eastern Lakes state, South Sudan, Taban Abel Aguek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.