Mga magulang ng kasambahay ni Lowell Menorca, nanawagang ibalik ang kanilang anak

By Jong Manlapaz October 30, 2015 - 10:21 PM

inc kamaganak
Kuha ni Jong Manlapaz

Nanawagan ang pamilya ni Abegail Yanson sa tiniwalag na Ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II na ibalik na sa kanila ang kanilang anak.

Ayon sa nanay ni Abegail na si Aling Rosalie Yanson nung buwan ng Hulyo ay kinuha ni Lowell ang kanilang anak bilang kasambahay.

Simula umano noon ay hindi na nila nakapiling ang kanilang anak na si Abegail.

Sinabi naman ni Candido Yanson Jr., ama ni Abegail na buwan pa ng Agosto nang huli nilang makita ang kanilang anak ng maghatid sila ng gamit kay Menorca.

Dito nasabi umano ng kanilang anak sa kanila na gusto na nitong umuwi. Napansin din ni Mang Candido na tila natatakot ang kanilang anak.

Iginiit naman ni Aling Rosalie na sa huling pag-uusap nila ng kanyang anak na si Abegail, sinabi umano sa kanya ng anak na gusto na sila makapiling pero hindi lang ito makatakas.

Ayon kay Aling Rosalie si Menorca ay dati nilang Ministro kaya tiwala sila ng isama nito ang kanilang anak na si Abegail.

Maliban sa mag asawa, humarap din sa media ang mga kapatid ni Abegail na sina Rocel at Robeth Yanson.

Ang pamilya ni Abegail nanawagan sa tiwalag na Ministro na ibalik na pauwiin na ang kanilang anak.

Sa gusali ng Eagle Broadcasting Network ginawa ang panawagan ng pamilya ni Abegail.

TAGS: INC, Lowell Menorca, INC, Lowell Menorca

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.