3 arestado sa anti-drug operation sa Navotas

By Jong Manlapaz September 10, 2018 - 08:20 AM SHARE(S):
Courtesy: NPD

Arestado ang tatlong katao sa ginawang anti-drug operation sa Alpha St. Barangay Bangkulasi NBBN, Navotas City gabi ng Linggo (September 9).

Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Apito alyas Romy 49 taon gulang pedicab driver, Larry Gilbuena, 34 taong gulang at Mary Grace Garcia alyas Michelle 27 taong gulang. Sinasabing tulak umano ng droga ang tatlo sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakabili ng dalawang sachet ng shabu ang nagpanggap na pulis sa suspek na si Romy. Nang magpositibo ang buy bust operation dito na hinuli ng mga otoridad si Romy at mga kasama nito.

Nakuha naman kay Michelle ang isang plastic sachet habang nabawi din ng pulis ang P400 na buybust money.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 dahil sa pagtutulak at pag-iingat ng droga .

TAGS: Alpha St. Barangay Bangkulasi NBBN, buy bust, Larry Gilbuena, Mary Grace Garcia alyas Michelle, nagpositibo, Navotas City, Romeo Apito alyas Romy, Alpha St. Barangay Bangkulasi NBBN, buy bust, Larry Gilbuena, Mary Grace Garcia alyas Michelle, nagpositibo, Navotas City, Romeo Apito alyas Romy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.