NFA Rice sa Pasig Mega Market dinumog

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 01:31 AM SHARE(S):

Maaga pa lamang ay dinumog na ng mga mamimili ang mgatindahan ng NFA rice sa Pasig Mega Market, Linggo ng umaga.

Ayon sa mga mamimili, mayroon lamang piling oras kung kailan pwedeng bumili ng NFA rice, kaya naman maaga pa lamang ay pumila na sila.

Nabatid na madaling maubos ang mga NFA rice dahil 600 sako lamang nito ang nai-deliver sa mga rice vendors.

Ayon naman sa isang tindero ng bigas, available lamang ang P32 kada kilo na NFA rice at mahigit dalawang linggo nang walang ibinabagsak na P27 kada kilo na NFA rice.

Samantala, limang kilo lamang kada isang tao ang maaaring bilhin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.