Sa pagbubukas ng Boracay sa buwan Oktubre, hindi na papayagan ang mga party sa isla.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, ipinagbabawal na ito upang mapanatili ang ganda at manumbalik ang kulay ng buhangin ng isla.
Matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, magbubukas ang isla para sa dry run mula October 15 hanggang 25.
Ayon kay Antiporda, ang mga otoridad ay magpapatuloy sa pag-oobserba at pag-iimbestiga sa mga waste water na magmumula sa mga hotel at resort na maaaring lumabag sa mga environmental guidelines.
Umaasa naman si Antiporda sa posibilidad na makita ang ecotourism sa pamamagitan nito.
MOST READ
LATEST STORIES