Adamson tinalo ang Ateneo sa UAAP men’s basketball

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 01:26 AM SHARE(S):

Wagi ang Adamson Soaring Falcons kontra Ateneo Blue Eagles sa kanilang naging tapatan para sa UAAP Season 81 men’s basketball.

Natapos ang tapatan sa iskor na 74-70, pabor sa Falcons.

Pinangunahan ni Jerrick Ahanmisi ang Adamson matapos nitong makapagbigay ng 23 puntos na siya ring game-high.

Para naman sa Blue Eagles, si Matt Nieto ang nanguna na may 21 puntos.

Samantala, pinatawan naman ng technical foul si Adamson head coach Franz Pumaren sa ikaapat na quarter.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.