Pagbaba ng trust rating ni Pangulong Duterte dapat ipagdiwang ayon sa isang pari

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 12:47 AM

Dapat ipagdiwang ng mga nasa oposisyon ang pagbaba ng trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling Social Weather Stations (SWS) survey.

Ito ang naging pahayag ni Father Bong Sarabia na siyang nagbigay ng homilya sa misa na isinagawa ng mga tagasuporta ni Senador Antonio Trillanes IV sa labas ng Senado, Linggo ng hapon.

Aniya pa, batay sa huling survey ng SWS, 1.5 milyong Pilipino ang nagbago ang pananaw at pagtitiwala sa pangulo at ang naturang bilang ay malaki na.

Ayon sa pari, makikita sa pagbaba ng bilang ng mga taong nagtitiwala sa pangulo na nagbabago na rin ang kanilang pananaw dito. Kaya naman aniya, dapat lamang na magpatuloy ang oposisyon sa kanilang ginagawa at huwag magpadala sa takot.

Samantala, bukod sa pagdaraos ng misa ay nagkaroon din ng prayer march ang mga taga-suport ni Trillanes sa paligid ng Senate grounds.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.