Galvez sa mga sundalo: Huwag makisawsaw sa pulitika

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 12:38 AM

Binalaan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Carlito Galvez ang mga sundalo na huwag magkaroon ng partisipasyon sa pulitika.

Sa isang panayam, pinaalalahanan ni Galvez ang mga sundalo na ang kanilang katapatan ay dapat sa Konstitusyon lamang.

Aniya, inuutusan niya ang mga ito na sumunod sa rule of law at sundin ang utos ng chain of command.

Babala pa nito, ang sinumang hindi susunod sa naturang mga panuntunan ay matatanggal sa serbisyo at agad na iimbestigahan.

Dagdag pa nito, hindi magtatagumpay ang sinumang tao o grupo na may planong wasakin ang AFP sa pamamagitan ng pagpapakalat ng intriga sa hanay ng militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.