Maituturing na solved na ang murder case ni Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco na pinaslang noong Mayo, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nasampahan na ng kaso ang tatlong mga pulis na sangkot sa krimen sa Quezon City Office of the City Prosecutor.
Aniya pa, ang National Bureau of Investigation (NBI) ang nakaresolba sa naturang kaso.
Ang resolusyon ay lumabas matapos bumuo ng task force ang Quezon City Police District (QCPD) upang imbestigahan ang insidente na nagresulta sa pagkamatay ni Velasco.
May 11 ng tambangan at pagbabarilin ng ilang mga kalalakihan ang sasakyan ni Velasco.
MOST READ
LATEST STORIES