Isyu kay Senador Trillanes hindi paglilipat ng atensyon ng publiko — Malacañan

Sinagot ng Palasyo ng Malacañan ang paratang ng kanilang mga kritiko na ginagamit lamang ng pamahalaan ang isyu patungkol kay Senador Antonio Trillanes IV upang ibaling ang atensyon ng publiko mula sa kakulangan sa supply ng bigas at inflation sa bansa.

Sa katunayan, ani Presidential Spokesperson Harry Roque, si Trillanes pa umano ang gumagamit sa isyu ng inflation o pagmahal ng mga pangunahing bilihin bilang isang political issue na maaaring ibato sa administrasyon.

Iginiit ng tagapagsalita ng pangulo na wala namang koneksyon ang isyu sa bigas at inflation kay Trillanes.

Aniya, gumawa ng krimen si Trillanes at kailangan nitong patunayan na totoo at ligal ang ibinigay sa kanyang amnesty ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Dagdag pa nito, naunang nagsimula ang problema ng bansa tungkol sa inflation bago pa naungkat ang tungkol sa amnestiya ni Trillanes.

Read more...