Imbes na lumala, inaasahan ni Pangulong Aquino na mas gaganda ang relasyon ng Pilipinas at China lalo na kung May hatol na ang Permanent Court of Arbitration o PCA sa The Hague sa teritorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon sa pangulo, oras na maglabas ng desisyon ang UN-PCA mas malinaw na kung ano ang karapatan at obligasyon ng mga bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Dahil dito, inaasahan niyang aayos ang relasyon ng lahat ng mga bansa na umaangkin sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.