Mag-asawa arestado sa drug buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 03:02 AM SHARE(S):

Kapwa kalaboso ang mag-asawa matapos magkasa ng drug buy bust operation ng pulisya sa kahabaan ng NIA Road sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Nakilala ang mag-asawang drug suspek na sina Elena Espiritu, 49 na taong gulang at dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng mga otoridad; at Ignacio Percia, 59 na taong gulang.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 10 Deputy Commander, Police Chief Inspector Melchor Rosales, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa pagtutulak umano ng ipinagbabawal na gamot ng mag-asawa.

Agad na nagkasa ng operasyon ang mga pulis kung saan narekober mula sa dalawa ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.