Drug suspek patay sa buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 02:52 AM SHARE(S):
Contributed photo

Dead on the spot ang isang lalaki, habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat matapos magsagawa ng drug buy bust operation ang pulisya sa Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang nasawing drug suspek na si Jun Azur, habang hindi nakilala ang kanyang nakatakas na kasamahan.

Ayon sa mga otoridad, madaling araw ng Lunes nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek.

Ngunit nang tangkang aarestuhin na ng mga pulis ang dalawang lalaki ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad na silang gumanti ng putok.

Nauwi sa engkwentro ang operasyon kung saan napatay si Azur at ginamit naman ng kanyang kasabwat ang oportunidad upang tumakas.

Narekober mula kay Azur ang isang kalibre 45 baril at hindi pa batid na bilang ng mga sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang nakatakas na kasamahan ni Azur.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.