Warehouse sa Malabon City, nasusunog

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 12:13 AM SHARE(S):
Contributed photo

Kasalukuyang nasusunog ang isang warehouse sa kahabaan ng Mabolo Street na sakop ng Barangay Santolan, Malabon City.

Umakyat na sa ikatlong alarma ang naturang sunog na unang sumiklab bandang alas-11:25 ng gabi.

Sinasabing nakaimbak sa nasabing warehouse ang mga plastic na kagamitan.

Sa ngayon ay patuloy pang inaapula ng mga bumbero ang sunog.

Hindi pa batid kung mayroon bang nasaktan dahil dito at kung magkano ang pinsanang dulot nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.