Pangulong Duterte nililihis lamang ang atensyon ng publiko — Joma Sison

By Justinne Punsalang September 09, 2018 - 08:13 PM SHARE(S):

Inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na inililihis lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang atensyon ng publiko sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Ito ang naging reaksyon ni Sison sa sinasabing planong pagpapatalsik sa pwesto ng pangulo.

Sa isang panayam, sinabi ni Sison na imbes na problemahin ni Pangulong Duterte ang pagsasabwatan umano ng Liberal Party, grupong Magdalo, at ng komunistang grupo, ay mas dapat na atupagin nito ang problema ng bansa katulad ng inflation o pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.

Dagdag pa ni Sison, dapat ay mag-alala ang pangulo sa posibilidad na mawala ang suporta ng publiko sa kanya dahil hindi nito natutugunan ang mga problema ng bansa, lalo na sa ekonomiya.

Aniya pa, hindi lalaon ay matitira na lamang sa pangulo ang kanyang mga troll.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.