Residential area tinupok ng apoy sa Port Area, Maynila

By Justinne Punsalang September 09, 2018 - 05:10 PM SHARE(S):
FEPAG

Nasunog ang isang residential area sa kahabaan ng Atlanta Street sa Port Area, Maynila.

Umabot sa ikalawang alarma ang naturang pagliliyab, kung saan pitong kabahayan ang natupok.

Nasa 16 na mga pamilya naman ang pansamantalang walang matutuluyan dahil sa sunog.

Alas-4:20 ng hapon nang magsimula ang apoy na tuluyang naapula bandang alas-4:53 ng hapon.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog, maging ang kabuuang pinsalang dulot nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.