Iginiit ng Palasyo ng Malacañan na dapat ipakita ni Senador Antonio Trillanes IV ang kopya ng kanyang amnesty application.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bilang patunay na valid ang kanyang natanggap na amnestiya.
Ani Roque, kung nawawala ang kopya ng amnesty application ni Trillanes mula sa files ng Department of National Defense (DND) ay nasa kamay ni Trillanes ang bola upang patunayan na nagsumite talaga siya ng aplikasyon para sa amnesty.
Dagdag pa nito, dapat ay ilabas ng senador ang received copy ng kanyang amnesty application form.
Aniya pa, imposible namang maiwawala ni Trillanes ang dokumento dahil sa importansya nito sa buhay ng senador.
Samantala, nauna nang naglabas ng video footage at mga litrato si Trillanes kung saan makikita ang kanyang pagsusumite ng amnesty application.