Miyembro ng Abu Sayyaf napatay sa Basilan

By Justinne Punsalang September 09, 2018 - 04:19 PM SHARE(S):

Nasawi ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos manlaban sa mga pulis sa Isabela City, Basilan, gabi ng Sabado.

Kinilala ang napatay na miyembro ng ASG na si Omaidie Salain.

Ayon sa mga otoridad, aarestuhin lamang dapat si Salain sa isang manhunt operation nang manlaban ito sa mga pulis.

Mayroong warrant of arrest ang suspek para sa kasong robbery with homicide. Kabilang din si Salain sa wanted list ng Zamboanga City Police dahil sa kanyang pagkakasangkot sa gun-for-hire activities.

Narekober mula sa suspek ang ang isang baril na kargado ng mga bala at anim na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.