Pilipinas, maaaring bumili ng mga armas sa Israel at Jordan

 

Aminado ang Malakanyang na maaaring bumili ng mga armas ang Department of National Defense at Department of Interior and Local Government sa Israel at Jordan.

Ito ay matapos magsagawa ng official visit si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang nabanggit na bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi isinasantabi ng pangulo ang pagbili ng mga armas sa Israel at Jordan.

Matatandaang una nang sinabi ni Duterte na tanging sa Israel na lamang bibili ang Pilipinas ng armas.

Bukod dito, idiniga rin ng pangulo kay King Abudllah II ng Jordan na dapat pang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa para labanan ang terorismo.

 

Read more...