LP, walang koneksyon sa CPP – VP Robredo

By Isa Avendaño-Umali September 09, 2018 - 01:33 PM

 

Mariing pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabwatan ang Liberal Party, Senador Antonio Trillanes IV at ang Communist Party of the Philippines o CPP.

Iginiit ni Robredo, tumatayong chairman ng LP, walang koneksyon ang partido Liberal sa CPP.

Wala aniyang kahit anong pag-uusap sa pagitan ng LP at CPP, lalo’t alam naman nila ang papel ng makakaliwa sa lipunan.

Sa sitwasyon naman ng ugnayan ng LP kay Trillanes, sinabi ni Robredo na bagama’t miyembro ng Nacionalista Party ang senador ay kaalyado nila ito sa United Opposition.

At kahit sino na nagiging biktima ng pang-aabuso ng kapangyarihaN ay nakikiisa ang LP, ayon pa kay Robredo.

Umalma naman ang VP sa palaging paggamit sa LP sa iba’t ibang mga isyu.

Lagi rin aniyang isinisisi sa LP ang pagkukulang ng pamahalaan, na hindi naman tama.

Aminado si Robredo na hindi perpekto ang LP at kakaunti na lamang sila sa partido. Pero handa umano silang lumaban kung may mali at handa namang sumang-ayon kung may tama sa gobyerno.

 

TAGS: communist party of the philippines, liberal party, Vice President Leni Robredo, communist party of the philippines, liberal party, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.