Magdalo group, itinangging nakikipag-usap sa CPP ukol sa Duterte ouster plot

By Chona Yu September 09, 2018 - 12:50 PM

 

Walang ginagawang pakikipag-usap ang grupong Magdalo sa Politburo at Communist Party of the Philippines o CPP para patalsikin o pababain sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Magdalo partylist Cong. Gary Alejano na niloloko lamang ni Durete ang taumbayan at nanaginip daw pangulo sa mga akusasyon nito laban sa Magdalo group dahil kailanman ay hindi makikipag-usap ang kanilang hanay sa armadong grupo ng CPP.

Giit ni Alejano, taliwas kasi aniya ang paninindigan ng CPP sa Magdalo group na binubuo ng mga sundalo.

Inamin naman ni Alejano na nakikipag-ugnayan ang kanilang hanay sa Liberal Party.

Pero ayon sa mambabatas, wala sa agenda ng kanilang pakikipag-usap sa partido Liberal ang pagpapatalsik kay Duterte, kundi ang ipanawagan na ayusin ang mga polisiya.

Dagdag ni Alejano, puro legal at naayon sa batas ang kanilang mga hakbang laban sa presidente at hindi ito pag-aaklas.

 

TAGS: Magdalo group, Magdalo Rep. Gary Alejano, Magdalo group, Magdalo Rep. Gary Alejano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.