Itinakda ng Comission on Elections o Comelec sa 25-percent threshold ang pagbabasa sa naitimang balota para bilangan na lehitimong boto.
Ito ay para sa inaasahang electoral disputes na lulutang kaugnay ng nalalapit na automated mid-term elections sa May 13, 2019.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10419, inaprubahan ng Comelec En Banc ang 25-percent threshold.
Layunin ng pagtatakda ng threshold na matiyak na hindi masasayang ang boto at hindi rin mabibilang ang mga aksidente o maliliit na marka sa mga balota.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9369, may kapangyarihan ang Comelec na pumili ng teknolohiya sa eleksyon kung saan kasama sa tutukuyin ay ang pagbabasa sa boto na bibilangin ng mapipiling mga makina.
Nauna nang binili ng Comelec ang mahigit 97 libong segunda-manong makina mula sa Smartmatic na ginamit din ng poll body noong 2016 national elections.