Isang mangangaso, aksidenteng nabaril ang kapatid sa Quezon

By Isa AvendaƱo-Umali September 09, 2018 - 11:34 AM SHARE(S):

 

Aksidenteng nabaril ng isang mangangaso ang sarili nitong kapatid sa Quezon province, Sabado ng gabi (September 8).

Ayon sa Quezon Police, nangangaso ang magkapatid na si Joey Pinza, 48-anyos; at nakababata nitong kapatid na si Ruel, 32-anyos sa mabundok na bahagi ng Barangay Cagsiay 2 sa Mauban, dakong alas-nuebe ng gabi.

Habang naglalakad ay naiputok ni Joey ang kanyang homemade shotgun at natamaan ng bala si Ruel sa kanang bahagi ng ulo.

Dahil sa insidente na dead on the spot si Ruel.

Sumuko naman si Joey sa mga opisyal ng barangay, na nagdala sa suspek sa istasyon ng pulis.

Nakakulong na si Joey at mahaharap sa kasong homicide at illegal possession of firearms and ammunition.

 

TAGS: quezon province, quezon province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.