Isang kagawad sa Maynila, natagpuang patay

By Isa AvendaƱo-Umali September 09, 2018 - 09:20 AM SHARE(S):

 

Natagpuang patay ang isang barangay kagawad sa loob ng bahay nito sa Binondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District o MPD Station 11, ang biktima ay kinilalang si Anthony Yu, 52-anyos at kagawad sa Barangay 281, Zone 26, District III.

Sinabi ng mga imbestigador na ang bangkay ni Yu ay nakadiskubre mismo ng 21-anyos na anak na babae nito 7:20 Sabado ng gabi sa kanilang tahanan sa No. 548 Caballeros St, Binondo, Manila.

Narekober sa biktima ang isang .38 revolver.

Sa inisyal na pagsisiyat ng mga pulis, posibleng nag-suicide si Yu.

Gayunman, patuloy na iniimbestigahan ang kaso at inaalam kung may foul play.

 

TAGS: Binondo, manila, MPD, Binondo, manila, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.