TINGNAN: Ilang domestic flights ngayong Sept. 9, kanselado

By Isa Avendaño-Umali September 09, 2018 - 09:06 AM SHARE(S):

 

UPDATE: Ilang domestic flights ang kanselado ngayong araw ng Linggo (Septemebr 9), dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, ang hindi pinahintulutan na makabiyahe ang mga sumusunod:

Skyjet

– M8 816 (Manila-Basco, Batanes)

– M8 817 (Basco, Batanes-Manila)

CebGo

– DG 6009 (Manila-Basco, Batanes)

– DG 6010 (Basco, Batanes-Manila)

Airswift

– T6 837 (Manila-Basco, Batanes)

– T6 838 (Basco, Batanes-Manila)

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na tumawag sa mga naturang airline company para sa re-booking o refund ng flights.

Ayon sa weather advisory ng PAGASA, mayroon silang dalawang low pressure area o LPA na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Makararanas naman ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Batangas, Bataan, Laguna at Bulacan.

TAGS: cancelled flights, MIAA, NAIA, cancelled flights, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.