Dalawang LPA nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

By Rhommel Balasbas September 09, 2018 - 06:05 AM SHARE(S):

Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa kasalukuyan.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, ang unang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 130 kilometro Hilagang-Kanluran ng Basco, Batanes.

Ang ikalawang LPA naman na pumasok ng bansa kagabi ay huling namataan sa layong 815 kilometro Sillangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Hindi ibinababa ng weather bureau ang posibilidad na maging bagong bagyo ang LPA na malapit sa Batanes.

Dahil sa dalawang sama ng panahon, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Western at Central Visayas, at sa buong Mindanao.

Sa nalalabing bahagi ng bansa naman kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.