Vice Ganda, record-breaker sa sabayang paglalagay ng lipstick

By Rhommel Balasbas September 09, 2018 - 05:40 AM SHARE(S):

Nakuha ni Vice Ganda at ng kanyang fans ang panibagong world record sa pagtitipon ng mga tao na sabay-sabay na naglagay ng lipstick.

Sa event na inorganisa ng komedyante sa Araneta Coliseum, 6,900 katao ang kinilala ng Guiness World Records na sabay-sabay na naglagay ng lipstick.

Tinalo nito ang record na nakamit ng MarkyKay Cosmetics sa China noong 2015 na mayroong 5,840 katao.

Ang event ay bahagi ng kanyang promotion sa kanyang cosmetics brand.

Libre ang entrance sa event na kailangan lamang magpresenta ng lipstick mula sa cosmetics company ni Vice Ganda katumbas ng ticket.

Nagtanghal sa naturang event sina Yeng Constantino, Darren Espanto at Moira dela Torre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.