1 arestado sa hindi pagtayo habang inaawit ang Lupang Hinirang sa sinehan sa Imus, Cavite

Arestado ang isang moviegoer matapos hindi tumayo habang inaawit ang Lupang hinirang sa City Mall Cinema sa Imus, Cavite.

Ayon kay Cavite Police Director Sr. Supt. William Segun, nakilala ang indibidwal na si Ria Chua Bautista, 28 anyos at residente ng Bacoor City.

Nangyari ang insidente matapos ang pag-aresto rin sa 34 ding indibidwal sa sinehan sa Lemery, Batangas na may kaparehong paglabag.

Ayon kay Segun, ang operasyon ay bahagi ng ‘Implan Bandila’ na ipinatutupad sa lahat ng sinehan sa Cavite.

Layon nitong pagtibayin ang implementasyon ng Republic Act. No. 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines” batay na rin sa utos ni Police Regional Office 4-A CALABARZON Director, Chief Supt. Edward Carranza.

Si Bautista lamang ang katangi-tanging hindi tumayo sa sinehan batay sa video footage ng mga pulis.

Read more...