VP Robredo: ‘I always pray for the President’

By Rhommel Balasbas September 09, 2018 - 02:24 AM SHARE(S):

Sa kabila ng mga batikos sa kanya, sinabi ni Vice President Leni Robredo na lagi niyang ipinagdarasal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng media sa Naga City, sinabi ni Robredo na lagi niyang ipinagdarasal ang pangulo dahil umaasa ang sambayanang Filipino sa pamumuno nito.

Giit ng pangalawang pangulo, ang pagkukulang ni Duterte ay pagkukulang din ng buong bansa.

“I always pray for the President because we rely on his leadership, his failure is our failure as well,” ani Robredo.

Ipinapanalangin niya anya sa Diyos na patuloy na gabayan at bigyan ng lakas si Duterte para sa kapakanan ng bansa.

Makailang beses na minaliit ng pangulo ang kakayahan ni Robredo na pamunuan ang bansa at mas gugustuhin niyang ang tulad nina Sen. Francis Escudero o dating Sen. Bongbong Marcos ang pumalit sa kanya.

Sinabi rin ni Duterte na hotbed ng shabu ang Naga City na balwarte ng bise presidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.