Dinaluhan ang misa ng mga tagasuporta ni Trillanes na kinabibilangan ng mga miyembro grupong Tindig Pilipinas at gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kabilang dito sina dating DSWD Sec. Dinky Soliman at Education Secretary Armin Luistro.
Hindi na dumalo sa misa si Trillanes para sa kanyang seguridad.
Sa misa, binatikos ni Bishop Pabillo ang paglilhis ng administrasyon sa atensyon ng publiko mula sa mas mabibigat na problema ng bansa tulad ng pagdami ng mahihirap na pamilya at patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Ipinagdasal din sa misa ang pananatiling malaya ni Trillanes at ang bantang pag-aresto dito.
Pagkatapos ng misa,n agsagawa ang mga supporter ng senador ng prusisyon sa paligid ng Senado.
Ang iba sa mga tagasuporta ni Trillanes ay may dalang mga dalang malilit na placard na may nakalagay na ‘Ibasura ang Proclamation no. 752’ at ‘stand with Trillanes.
Misa para kay Senador Trillanes, idinaos sa labas ng senado. pic.twitter.com/mLOoDeKjeS
— albar@INQ (@albarmarch22) September 8, 2018