Trillanes, nagpapanggap lamang na tagapagtanggol ng mga sundalo – Pang. Duterte

By Len Montaño September 08, 2018 - 06:09 PM SHARE(S):

Nagpapanggap lamang umano si Senador Antonio Trillanes IV na tagapagtanggol ng mga sundalo pero wala naman itong ginawa para sa kanilang kapakanan dahil isa itong kurakot.

Sa kanyang arrival speech pagdating mula Jordan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang malasakit si Trillanes sa mga sundalong napatay sa giyera sa Marawi City noong 2017.

Ni-hindi aniya pumunta ang senador sa lugar para suportahan ang mga tropa ng gobyerno na nakikipaglaban sa Maute group.

Dagdag ni Duterte, naging mambabatas si Trillanes pero hindi nito nagawang doblehin ang sweldo ng mga sundalo.

Pero palag ni Trillanes, hindi niya inabanduna ang mga sundalo dahil nagpagawa siya ng mga pasilidad para sa kanila at siya ang may akda ng AFP Modernization Act.

Sa iba’t ibang kampo anya ay nagpagawa siya ng mga imprastraktura gaya ng barracks ng mga enlisted personnel at club rooms at quarters ng mga opisyal.

 

TAGS: Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Antonio Trillanes IV, Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Antonio Trillanes IV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.