TINGNAN: Epekto ng magnitude 6.4 na lindol sa Davao Region

By Isa Avendaño-Umali September 08, 2018 - 04:54 PM

 

Photo c/o Gardo Dagondon

Ibinahagi ng mga residente ng Davao Region sa pamamagitan ng social media ang kanilang naranasan nang tumama ang magnitude 6.4 na lindol, Sabado ng hapon.

Sa tweet ni Andrea Amparo, makikita na napinsala ang building ng Ateneo de Davao University dahil sa lindol.

Sa mga litrato naman ni Wilson Ramos Dotarot sa Facebook, ang mga tao na nasa loob ng isang mall ay nagsilabasan dahil sa malakas na pagyanig.

May mga gusali at establisimyento rin na napinsala, gaya ng pagkasira ng kisame at pagkabitak ng mga sahig.

Sa kuhang litrato naman ni Sharon Anoba, makikitang magulo sa loob ng isang shopping center matapos mahulog sa mga istante ang mga produkto.

 

TAGS: Davao Region, Magnitude 6.4 na lindol, Davao Region, Magnitude 6.4 na lindol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.