UPDATE: Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Davao Oriental, Sabado ng hapon (September 8).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang lindol kaninang 3:16 ng hapon.
Ang episento nito ay 14 kilometers hilagang-silangan ng Manay, Davao Oriental.
May lalim na 28 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Sinabi ng Phivolcs na asahan ang aftershocks.
Naiulat ang Intensity V sa Davao City at Mati City sa Davao Oriental; Intensity IV sa Koronadal City at Bislig City; Intensity III sa Tupi, South Cotabato; Alabel at Malapatan, Sarangani; at Intensity II sa Cotabato City at General Santos City.
Instrumental Instensity III ang naramdaman sa Alabel, Sarangani; Instrumental Intensity II sa Bislig City at Instrumental Intensity I sa General Santos City.
Batay naman sa mga mga litrato ng mga residente, nadulot ng mga pinsala ang lindol, gaya ng pagbitak ng sahig at pagkahulog ng kisame.
Sa ngayon ay inaalam pa kung may iba pang pinsalang naidulot ng malakas na pagyanig at kung may nasaktan sa paglindol.