Manay, Davao Oriental, niyanig ng M6.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Davao Oriental, Sabado ng hapon (September 8).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivols, naitala ang lindol kaninang 3:16 ng hapon.
Ang episento nito ay 14 kilometers hilagang-silangan ng Manay, Davao Oriental.
May lalim na 28 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Sinabi ng Phivolcs na asahan ang aftershocks.
Batay naman sa ilang mga litrato ng mga residente, nadulot ng pinsala ang lindol, gaya ng pagbitak ng sahig at pagkahulog ng kisame.
Sa ngayon ay inaalam pa kung may iba pang pinsalang naidulot ng malakas na pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.